Maraming masasamang bagay sa mundo ang paulit-ulit ginagawa ng mga tao. Marahil ay sa kadahilanang gusto rin nila yun, at di na nila maiwasang gawin ang ganung mga bagay. Naisipan kong ilahad ang ilan sa mga masasamang bagay o kaugalian ng mga tao na paulit-ulit naman nilang ginagawa, dahil nga sa kadahilanang sila rin ay nasisiyahan sa mga ito. XD
1. Pagkakaroon ng maraming boyfriend o girlfriend.
Nung mga panahong na sobrang immature pako, nagkaron ako ng 26 na syota. 3 sabay-sabay, 3 araw yung pinakamatagal, isang gabi pinaka mabilis.
Masama yun, oo. Masama manloko ng kapwa diba? pero nung mga panahong yun, hindi ko to naisip. Ang nasa utak ko lang kasi nun, ang cool nun, at ang sarap ng feeling pag andaming lumalandi sayo. Dagdag narin siguro yung pagkagalit ko nung nakipag break sakin yung unang gf ko nung high school na masasabi kong sineryoso ko.
2. Pandaraya
Masarap mandaya paminsan-minsan. Aminin mo man o hindi, nakapandaya ka na sa larangang marahil ikaw lang ang nakakalam. Sa laro pa lang, nung mga bata tayo. Sinong makapag sasabing nangdadaya na tayo para lang hindi tayo yung maging taya? Kadalasan, nangdadaya na tayo nang hindi natin napapansin, at ang kadalasang rason, ayaw magpatalo at para makalamang sa mga katunggali. At sabi nga ng kaibigan ko, Nandaraya tayo para madali nating makuha ang mga bagay na gusto nating makamit. Tama, Di ba?
3. Bisyo
Walang humpay na paglalasing, yosi, shabu, marijuana, ecstasy, ano pa ba? Kung tutuusin, walang masama kung susubukan mo yang mga yan. Tao ka, at kung gusto mo nga daw makumpleto ang buhay mo, subukan mo yan. Pero ang nagiging problema lang, Tao ka. Madaling naakit ng temptasyon. Mahirap mag-control. Marami ang nasisira ng mga to, lalo na kung lulong ka na talaga dito. Kalusugan, kaibigan, pamilya. Lahat yan, tataob. Pero ok lang, enjoy naman daw. lol
4. Bawal magmahal sa mga taong hindi dapat mahalin.
Meron ng bf/gf? meron ng asawa? kamag-anak!? People doesn't fucking care bout that! Ikaw sa sarili mo, alam kong kahit sa panong paraan, nahulog o posibleng nahuhulog na ang loob mo sa taong di mo naman pwede mahalin o maski magustuhan man lang, E ano bang pakialam nila? Marami akong kakilala na nakakranas ng ganito. At pare-parehas lang sila ng sinasabi. MASAYA DAW.Well it's their happiness. Kung baga sa movie na Inception, some people had chosen to live in their dreams and not in reality. Their dreams are their reality. Well let's just be happy for them. :)
Mga tropa, di pa to tapos. Dadag-dagan pa natin to. Suggestions? just comment. Unti-unti nating alamin ang mga masasamang bagay na masasarap gawin ng paulit-ulit ng hindi nakakasawa. ;)
To be continued...
corps amihan... eto nga pala ang site address ko na ganito din ang style..
ReplyDeletehttp://nathaniel0018.blogspot.com/
ewan ko kung hindi mo pa makilala si thaniel.
ako un eh! =]]
san mo nalaman tong site ko. -_-
ReplyDeletesa facebook mo amihan... pano ko ndi malalaman... hay nako amihan... isa na akong deadly pharmacist ngaun ah... hindi ako nagtatrabaho sa pharmacy...
ReplyDelete